Pagyanig na maul akas na 6.4 sa Richter Scale, naganap kagabi sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2020-09-07 16:03:26       CRI2020-09-07 16:03:27

Niyanig kagabi, Setyembre 6, 2020 ng lindol na may lakas na 6.4 sa Richter Scale ang dagat sa katimugan ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang episentro ng lindol ay nasa 26 na kilometro, sa dagat, sa gawing silangan ng Davao Occidental, Mindanao.

Walang anumang kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian ang nai-ulat hanggang sa kasalukuyan.

Bagamat walang Tsunami, nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng maganap ang aftershock mamaya, kaya pinag-iingat ang mga residenteng nasa danger zone.

Salin:Sarah