OECD: Tsina, nag-iisang bansa sa G20 na may paglaki ng GDP noong ikalawang kuwarter

(GMT+08:00) 2020-09-15 16:12:01       CRI2020-09-15 16:12:02

Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Lunes, ika-14 ng Setyembre 2020, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), ang Tsina ay siyang tanging bansa sa G20, na may paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) noong nagdaang ikalawang kuwarter, sa ilalim ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa nabanggit na ulat, ang GDP ng Tsina noong ikalawang kuwarter ng taong ito ay mas malaki nang 11.5% kumpara sa GDP noong unang kuwarter.

Samantala, kung ihahambing sa halaga noong unang kuwarter, bumaba ng 6.9% ang kabuuang halaga ng GDP ng G20 noong ikalawang kuwarter. Ang bilang na ito ay higit na mas mababa kaysa 1.6% na pagbaba ng GDP ng G20 noong unang kuwarter ng taong 2009, dahil sa epektong dulot ng pandaigdig na krisis na pinansyal.

Salin: Liu Kai