Ipinahayag ng Tsina ang pagbati sa panunungkulan ni Yoshihide Suga bilang bagong PM ng Hapon. Nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Tsino-Hapones.
Ito ang ipinahayag Setyembre 14, 2020, ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Aniya pa nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng bagong liderato ng Hapon, para patuloy na sundin ang iba't ibang prinsipyo at diwa na itinakda ng 4 na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pasulungin ang palagiang pagbuti at pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.
Salin:Sarah