Dokumentong pangkooperasyon ng "Belt and Road," nilagdaan ng Tsina at 138 bansa't 30 organisasyong pandaigdig

(GMT+08:00) 2020-09-15 14:18:36       CRI2020-09-15 14:18:37

Sa Pulong ng Pagpapasulong ng Pangunahing Gawain ng "Belt and Road" sa Taong 2020 na idinaos kamakailan sa Quanzhou, probinsyang Fujian ng Tsina, komprehensibo nitong nilagom ang mga natamong mahalagang progreso at bunga sa konstruksyon ng "Belt and Road" sapul noong isang taon, sistematikong inanalisa ang kasalukuyang kinakaharap na situwasyong panrehiyon at pandaigdig, at pinag-aralan at isinaayos ang mga pokus ng gawain sa kasalukuyan at hinaharap.

Tinukoy sa pulong na natamo ng konstruksyon ng "Belt and Road" ang mahalagang progreso at bunga. Hanggang sa kasalukuyan, 200 dokumentong pangkooperasyon ng "Belt and Road" ang nilagdaan ng Tsina at 138 bansa't 30 pandaigdigang organisasyon.

Salin: Lito