Sinabi kahapon, Martes, ika-15 ng Setyembre 2020, ni Liu Duo, Puno ng China Academy of Information and Communications Technology, na sa kasalukuyan, lumampas sa 110 milyon ang bilang ng mga taong gumagamit ng 5G telecommunication service sa Tsina.
Samantala aniya, ayon sa plano ng konstruksyon ng 5G base station, aabot sa 600 libo ang bilang nito sa buong Tsina sa katapusan ng taong ito.
Ipinaalam din ni Liu, na ayon sa pagtaya, hanggang sa taong 2025, ilalaan sa buong Tsina ang mahigit 2.1 trilyong yuan RMB pondo para sa larangan ng 5G, na gaya ng konstruksyon ng network at paggawa ng mga kagamitan.
Kasabay nito, ang paggamit ng 5G ay magdudulot ng 8.3 trilyong yuan na konsumpsyon, na kinabibilangan ng bayad sa 5G service at pagbili ng mga aparato.
Salin: Liu Kai