Estratehikong pagtitiwalaan sa kaligtasang pulitikal ng isa't-isa, palalalimin ng BRICS

(GMT+08:00) 2020-09-17 18:12:56       CRI2020-09-17 18:12:57

Sa paanyaya ni Nikolai Patrushev, Kalihim ng Konseho ng Seguridad ng Rusya, lalahok si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyong Sentral sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina, sa Ika-10 Virtual Meeting ng mga Mataas na Kinatawan sa Suliraning Panseguridad ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa (BRICS), na nakatakdang idaos Setyembre 17, 2020.

Ito ang ipinahayag Setyembre 16, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Ang pulong na ito ay mahalagang aktibidad bago ang pagtatagpo ng mga lider ng BRICS sa 2020.

Ani Wang, magpapalitan ng palagay ang mga kalahok tungkol sa kalagayan ng seguridad ng daigdig, kaligtasang biolohikal, paglaban sa terorismo, kooperasyon sa kaligtasan sa internet at iba pang isyu.

Inaasahang magkakaisa ang mga bansa ng BRICS para magkakasamang harapin ang iba't ibang hamon, magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng 5 miyembro at kapayapaan at katatagan ng buong daigdig, dagdag pa niya.

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang miyembro ng BRICS, para pasulungin ang pagtatamo ng positibong bunga sa pulong na ito; lalo pang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa't isa ng 5 miyembro sa larangan ng kaligtasang pulitikal; at ipalabas ang malakas na impormasyon ng pagkakaisa at kooperasyon ng 5 miyembro ng BRICS.

Salin:Sarah