Yoshihide Suga, posibleng manungkulan bilang pinakamataas na sugo ng Tokyo Olympic Organizing Committee

(GMT+08:00) 2020-09-18 10:37:31       CRI2020-09-18 10:37:32

Ipinaalam nitong Huwebes, Setyembre 17, 2020 ni Yoshiro Mori, Presidente ng Tokyo Olympic Organizing Committee, na umaasa siyang papalitan ni bagong halal na Punong Ministro Yoshihide Suga ng Hapon si dating PM Shinzo Abe sa panunungkulan bilang pinakamataas na sugo ng nasabing komisyon.

Samantala, maari ring bigyan ng ibang posisyon sa komisyong ito si Abe aniya pa.

Sinipi ng Japan Broadcasting Corporation (NHK) ang opinyon ng ibang opisyal ng Tokyo Olympic Organizing Committee na nagsasabing hangad nilang patuloy na makakapagbigay si Abe ng ambag para sa pagdaraos ng Tokyo Olympic Games.

Salin: Lito