Simposyum ng "Paglaban sa Terorismo, De-radikalisasyon, at Paggarantiya sa Karapatang Pantao," idinaos

(GMT+08:00) 2020-09-18 10:44:06       CRI2020-09-18 10:44:07

Sa magkakasamang pagtataguyod ng pirmihang delegasyong Tsino sa Geneva, pirmihang delegasyon ng Cameroon sa Geneva, at China Society For Human Rights Studies, idinaos nitong Huwebes, Setyembre 17, 2020 ang online na pandaigdigang simposyum na pinamagatang "Paglaban sa Terorismo, De-radikalisasyon at Paggarantiya sa Karapatang Pantao."

Layon ng nasabing simposyum na itatag ang plataporma ng pagpapalitan ng karanasan tungkol sa paglaban sa terorismo at de-radikalisasyon sa Tsina at buong daigdig, at talakayin ang tungkol sa kung paanong nakakatulong sa paggarantiya sa karapatang pantao ang paglaban sa terorismo at de-radikalisasyon.

Dumalo sa nasabing online symposium ang mga pirmihang opisyal sa United Nations (UN) sa Geneva mula sa mga bansang kinabibilangan ng Belgium, Denmark, Belarus, Malaysia, Myanmar, Laos, Iran, Syria, Saudi Arabia, Brazil, Venezuela, at iba pa.

Salin: Lito