Lampas sa 30 milyon, kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

(GMT+08:00) 2020-09-18 16:17:03       CRI2020-09-18 16:17:04

Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang alas-18:22 ng Huwebes, Setyembre 17, 2020, lumampas na sa 30 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo. Samantala, 943,203 ang mga pumanaw.

Pinakamarami ang bilang ng mga kumpirmadong kaso at namatay sa Amerika.

Ayon pa rin sa datos, mabilis na lumalaki pa rin ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa daigdig, at 38 araw lang ang nakalipas sapul nang lumaki sa 30 milyon ang nasabing datos, mula 20 milyon.

Salin: Vera