Ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, iginunita: mga lider, nananawagang palakasin ang multilateralismo

(GMT+08:00) 2020-09-22 11:16:10       CRI2020-09-22 11:16:11

New York — Idinaos nitong Lunes, Setyembre 21, 2020 ang pulong bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN).

Nangulo sa pulong si Volkan Bozkır, Tagapangulo ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng UN, at bumigkas ng talumpati si Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN.

Sinabi ni Guterres na sa harap ng iba't-ibang uri ng mahigpit na hamon, kinakailangan ng daigdig ang mabisang multilateralismo.

Pinagtibay sa pulong ang "Deklarasyon ng Paggunita sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN" na tumutukoy na konektado ang mga kinakaharap na hamon ng sangkatauhan, at wala ibang pagpili kundi pasiglahin ang multilateralismo para harapin ang mga hamon.

Anito pa, habang itinatatag ang isang mas pantay at sustenableng daigdig, ang multilateralismo ay lubos na kinakailangan sa halip ng isang opsyon lang.

Salin: Lito