Pangkalahatang Debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng UN, binuksan; multilateralismo, iginigiit

(GMT+08:00) 2020-09-23 10:52:43       CRI2020-09-23 10:52:44

New York — Binuksan nitong Martes, Setyembre 22, 2020 ang pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) na dinaluhan ng halos 170 lider ng mga bansa.

Bibigkas sila ng mga talumpati tungkol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), agenda ng sustenableng pag-unlad sa taong 2030, pagbabago ng klima, at iba pang mga mahalagang isyung pandaigdig.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Volkan Bozkır, Tagapangulo ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng UN, na sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, dapat patibayin ng iba't-ibang bansa ang multilateralismo at kilalanin ang mga natamong bunga ng multilateralismo.

Bukod dito, mahigpit na isusulong ang multilateralismo sa panunungkulan ni Bozkır kabilang ang makataong agenda ng UN, target ng sustenableng pag-unlad, at pagkakapantay-pantay sa kasarian. Nanawagan din siya sa suporta ng mga kasaping bansa ng UN.

Salin: Lito