UN, suportado ng mga lider ng maraming bansa

CRI2020-09-25 10:48:41

 

New York — Idinaos kamakailan ang pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN).

 

Sa okasyon ng debatehang ito, sa pamamagitan ng video, ipinahayag ng mga lider ng maraming bansa ang kanilang pagkatig sa UN. Nanawagan din silang dapat palakasin ang pandaigdigang kooperasyon at pangalagaan ang multilateralismo.

 

Ipinalalagay ni Pangulong Ashraf Ghani ng Afghanistan na sa harap ng iba't-ibang uri ng hamon, dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang mga orihinal na prinsipyo ng pagkakatatag ng UN.

 

Ipinahayag naman ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na kumakatawan ang UN sa pangarap at komong pangako ng iba't-ibang bansa sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at kasaganaang pandaigdig. Aniya, sa kasalukuyang situwasyon, dapat mas aktibo at mabisang pamunuan ng UN ang iba't-ibang bansa sa pagharap sa mga komong hamong pandaigdig.

Salin: Lito