Lahat ng may-kinalamang panig, imbitado sa 2021 Kunming UN Convention on Biological Diversity

(GMT+08:00) 2020-10-01 11:06:16       CRI2020-10-01 11:06:17

Ang Ika-15 Conference of the Parties (COP 15) ng Convention on Biological Diversity (CBD) ng United Nations (UN) ay gaganapin sa Mayo 2021, sa Kunming, Yunnan Province, Tsina.

Sa kanyang video speech sa United Nations Summit on Biodiversity, na ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang imbitasyon sa lahat ng mga bansa.

Ani Xi, inaasahan ng Tsina ang paglahok ng mga may kinalamang panig para magbahagi ng karanasan sa pangangalaga sa biodiversity tungo sa pagkakaroon at pagsasakatuparan ng komprehensibo at balanseng balangkas ng aksyon.

Salin: Jade

Pulido: Rhio.