Panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, tinututulan ng 55 bansa sa UN

(GMT+08:00) 2020-10-07 15:53:21       CRI2020-10-07 15:53:22

Sa panahon ng pangkalahatang debatehan ng Ika-3 Komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), sa ngalan ng 55 bansa, bumigkas ng talumpati nitong Martes, Oktubre 6, 2020 ang Pakistan bilang mariing pagtutol sa panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katuwiran ng suliranin ng Hong Kong.

Tinukoy nila na ang di-panghihimasok sa suliraning panloob ng soberanong bansa ay mahalagang prinsipyo ng "UN Charter." Ito rin anila ay pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.

Ipinahayag nila na ang Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat ito panghimasukan ng iba, diin pa nila.

Salin: Lito