Geneva, Switzerland—Binuksan nitong Linggo, Oktubre 8, 2020 ang 2020 Social Forum ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Sa pamamagitan ng video speech, isinalaysay ni Chen Zhigang, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang karanasan at tagumpay ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan.
Tinukoy ni Chen na ang paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao ay komong adhikain ng sangkatauhan.
Aniya pa, ang pagpapahupa at pagpawi ng kahirapan ay mahalagang nilalaman ng paggarantiya sa karapatang pantao.
Sa mula't mula pa'y ipinapauna ng Partido Komuinista at pamahalaan ng Tsina ang karapatan sa buhay at karapatan sa kaunlaran ng mga mamamayan, at laging nagpupunyagi ang bansa para mapasulong ang karapatang pantao, sa pamamagitan ng pagbabawas ng kahirapan, saad niya.
Diin pa ni Chen, ang kasalukuyang taon ay taon ng pagtatapos ng pagpawi sa kahirapan ng Tsina.
Sa harap ng biglaang pagputok ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mahinahon at aktibo aniyang hinaharap ng Tsina ang suliraning ito.
Sa kasalukuyan, unti-unti aniyang napapanaigan ang epekto ng pandemiya, at makikita ang tagumpay sa pagsasakatuparan ng target ng pagpawi sa kahirapan, ayon sa nakatakdang iskedyul.
Salin: Vera