Sinimulan kahapon, Lunes, ika-12 ng Oktubre 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paglalakbay-suri sa Guangdong, lalawigan sa katimugan ng bansa.
Sa lunsod ng Chaozhou, bumisita si Xi sa mga kultural at historikal na lugar, na gaya ng isang sinaunang tulay, isang sinaunang lagusang may tore, at isang kalyeng may mga sinaunang panggunitang arko. Sinuri niya ang kalagayan ng restoryasyon at proteksyon ng mga relikyang kultural, pagpapamana ng intangible cultural heritage, at paggagalugad ng mga yamang pangkultura at panturismo. Bumisita rin si Xi sa Chaozhou Three-Circle (Group) Co., Ltd., gumagawa ng mga elektronikong materyales at aparato ng komunikasyon. Inalam niya ang tungkol sa sarilinang inobasyon, produksyon, at operasyon ng kompanyang ito.Salin: Liu Kai