Saklaw ng exhibition area ng gaganaping Ikatlong CIIE, mas malaki kumpara sa ikalawa

(GMT+08:00) 2020-10-16 10:45:27       CRI2020-10-16 10:45:28

Ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na maayos na isinusulong ang iba't-ibang paghahanda para sa Ikatlong China International Import Expo (CIIE). Aniya, malalampasan ng saklaw ng exhibition area ng gaganaping CIIE kumpara noong isang taon, at magkapareho ang bilang ng mga lalahok na top 500 enterprises ng daigdig kumpara sa nagdaang dalawang CIIE.

Diin pa niya, sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19 sa "new normal" na kalagayan, laging ipapauna ng Ika-3 CIIE ang kaligtasan para maidaos ang isang ligtas, makulay at mabungang eksbisyon.

Salin: Lito