Ika-98 magkakasanib na pamamatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River, nagsimula na

(GMT+08:00) 2020-10-21 14:16:21       CRI2020-10-21 14:16:22

Ayon sa Tanggapan ng Impormasyon ng Departamentong Panseguridad ng Probinsyang Yunnan ng Tsina, noong alas-8:00 ng umaga, Oktubre 20, 2020, lumisan ng Guanlei Port ang 3 Chinese law enforcement vessels. Pormal na nagsimula ang ika-98 magkakasanib na pamamatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River.

Bago magsimula ang aksyong ito, idinaos ng nasabing apat na bansa ang virtual meeting kung saan inilahad ang kasalukuyang kalagayang panseguridad sa Ilog Mekong at nagkasundo sila tungkol sa mahigpit na pagpuksa sa iba't-ibang uri ng transnasyonal na krimen sa Mekong River.

Salin: Lito