Wang Yi, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Pham Binh Minh

(GMT+08:00) 2020-10-24 10:55:22       CRI2020-10-24 10:55:23

Malubhang nasalanta ng baha kamakailan ang Biyetnam. Kaugnay nito ipinadala ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mensahe ng pakikiramay kay Ministrong Panlabas Pham Binh Minh ng Biyetnam.

Sa mansahe, ipinaabot ni Wang ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga apektadong mamamayang Biyetnames. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng malakas na pamumuno ng partido at pamahalaang Biyetnames, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayang Biyetnames ang kalamidad sa lalong madaling panahon, at ibabangon muli ang kanilang bansa.

Salin: Lito