Premyer Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Nguyễn Xuân Phúc

(GMT+08:00) 2020-10-24 10:54:28       CRI2020-10-24 10:54:29

Kaugnay ng kalamidad ng baha sa Biyetnam, ipinadala ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam.

Sa mensahe, sa ngalan ng pamahalaang Tsino at kanyang sarili, ipinaabot ni Premyer Li ang simpatiya at taos-pusong pakikiramay sa mga apektadong mamamayang Biyetnames.

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng partido at pamahalaang Biyetnames, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang kalamidad ng baha at mapapanumbalik ang normal na produksyon at pamumuhay sa lalong madaling panahon.

Salin: Lito