Pagpapalagayang ekonomiko at komersyal ng Sudan at Israel, sisimulan

(GMT+08:00) 2020-10-26 10:51:16       CRI2020-10-26 10:51:17

Ipinahayag nitong Linggo, Oktubre 25, 2020 ng Ministring Panlabas ng Sudan, na sisimulan sa lalong madaling panahon ang pormal pagpapalagayang ekonomiko at komersyal sa Israel.

Anang pahayag, ipinasiya ng Sudan at Israel na bigyang-wakas ang "ostilong estado" para maging normal ang relasyon ng dalawang bansa.

Anito pa, magpopokus ang pagpapalagayan sa larangan ng agrikultura para makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Salin: Lito