Bagong galaw ng pag-unlad ng Tsina, magiging mas bukas at kapaki-pakinabang para sa lahat: Xi

(GMT+08:00) 2020-11-04 22:18:16       CRI2020-11-04 22:18:17

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang bagong modelo ng pag-unlad ng Tsina ay hindi nangangahulungan ng saradong pamilihang panloob, sa halip, ito ay magiging mas bukas na "dual circulation" kung saan pasususlungin ng isa't isa ang pamilihang panloob at mga merkadong banyaga. Ito ay hindi lamang para sa mga kapakanan ng mga mamamayang Tsino, magdudulot din ito ng mas malaking kapakinabangan sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.

Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas ngayong gabi ng ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina.

40 exhibitors mula sa Pilipinas ang kabilang sa mga kalahok sa ekspo. Healthy and natural ang pokus ng Food Philippines Pavilion. Idaraos ito hanggang Nobyembre 10. Ito ang ikatlong paglahok sa CIIE ng Pilipinas.  

Salin: Jade

Pulido: Mac