Kabuhayang Tsino, naisakatuparan ng paglaki; pamilihang Tsino, bukas sa lahat

(GMT+08:00) 2020-11-04 22:23:30       CRI2020-11-04 22:23:31

Sa kabila ng pandemiya ng COVID-19, naisakatuparan ng Tsina ang 0.7% na paglaki ng kabuhayan ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng 2020. Kasabay nito, lumaki ng 5.2% ang halaga ng aktuwal na nagamit na pondong dayuhan.  

Ito ang inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas ngayong gabi ng ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina.

Muling ipinangako rin ni Xi na buong tatag at ibayo pang magbubukas sa labas ang Tsina. Ang pamilihang Tsino ay bukas sa lahat at para sa lahat, diin ni Xi.

Salin: Jade

Pulido: Mac