Tunguhin ng pagbubukas at pagtutulungan, di nagbabago: Xi

(GMT+08:00) 2020-11-04 22:15:05       CRI2020-11-04 22:15:06

Binuksan ngayong gabi ang ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina. 40 exhibitors mula sa Pilipinas ang kabilang sa mga kalahok sa ekspo. Healthy and natural ang pokus ng Food Philippines Pavilion. Idaraos ito hanggang Nobyembre 10. Ito ang ikatlong paglahok sa CIIE ng Pilipinas.  

Sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kabila ng anumang kahirapan at pagsubok, hindi nagbabago at hindi rin magbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pagbubukas sa labas at pagtutulungan ng iba't ibang bansa ng daigdig.  

Kung kaya, aniya, kailangang magkapit-bisig ang lahat ng mga bansa, para magkakasamang harapin ang panganib at hamon, palakasin ang pagtutulungan at komunikasyon, at palawakin ang pagbubukas sa labas.

Salin: Jade

Pulido: Mac