Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin

(GMT+08:00) 2020-11-10 21:12:25       CRI2020-11-10 21:12:26

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong gabi, Martes, ika-10 ng Nobyembre 2020, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-20 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Binigyang-diin ni Xi na ang paghahangad ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at win-win ay tunguhin ng panahon na hindi mahahadlangan. Dapat aniyang isagawa ang mga aktuwal na aksyon, para ipatupad ang multilateralismo, pabutihin ang pandaigdigang pangangasiwa, at pangalagaan ang kaayusang pandaigdig.

Sinabi ni Xi, na hindi puwedeng umunlad ang Tsina, kung mahihiwalay ito sa daigdig; at hindi naman magiging masagana ang daigdig, kung walang ambag na ibibigay ang Tsina.

Dagdag ni Xi, buong tatag at di-magbabagong isasagawa ng Tsina ang pagbubukas sa labas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result. Ipinahayag niya ang pagtanggap sa pagsasamantala ng iba't ibang panig ng mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina, at pagpapalalim ng pakikipagkooperasyon sa Tsina.

Lubos ding pinahahalagahan ni Xi ang inklusibo at sustenableng pag-unlad. Binigyang-diin niyang, dapat igiit ang ideya sa inobatibo, koordinado, berde, bukas, at pinagbabahaginang pag-unlad, para ibangon ang kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Ipinahayag pa ni Xi, na dapat igiit ng SCO ang "diwa ng Shanghai," palalimin ang pagkakaisa at pagtutulungan, at isagawa ang mas maraming aktuwal na aksyon para sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

Salin: Liu Kai