Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Red Ognita: pag-usbong ng talento sa photography

(GMT+08:00) 2012-02-09 17:20:43       CRI

Sa palatuntunan ngayong gabi, makikilala natin ang kwento ng isang Pinoy na umusbong ang talento sa pagkuha ng mga larawan dito sa Tsina. Ibabahagi namin sa inyo ang kuwento ng award winning, fine art photographer, na si Red Ognita.

Kinapanayam ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino si Ginoong Red Ognita

Si Ginoong Red Ognita ay mahigit 10 taon nang naninirahan sa Beijing. NagtRa-trabaho siya sa isang embahada dito sa Beijing, at hilig nya ang pagkuha ng mga litrato. At ilan sa kanyang mga larawan ay nagwagi ng mga gantimpala sa Tsina, at maging sa ibang bansa.

Larawan na kuha ni Red Ognita sa Hong Kong

Ayon kay Ognita, sa simula walang siyang anumang intensyon pasukin ang larangang ito. Bumili siya ng kamera para lang magkaroon ng litrato na ipapakita pag umuwi sa Pilipinas.

Larawan na kuha ni Red Ognita sa Guilin

Noong taong 2011, inanyayahan si Ginoong Red Ognita sa 2011 Lishui International Photography Festival, bilang kinatawan ng isang gallery. Sabi niyang "kahit saan naman, kailangan muna ng konting kompiyansa, kasi lahat naman nagsimula sa konting kompiyansa."

May part 2 pa po ang aming panayam sa kanya. Kung gusto ninyong malaman ang mas maraming kuwento tungkol sa kanyang mga larawan, susubaybayan ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa susunod na Martes.

 

Related: Walang kulay pero puno ng buhay

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>