Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paskong Pinoy sa Sanya: Sarap Buhay Group

(GMT+08:00) 2014-12-31 14:02:32       CRI

Tampok sa New Year;s Special ng Mga Pinoy sa Tsina ang duo nila Roger at Bing Castaneda na naka base sa Sanya, island paradise na makikita sa lalawigang Hainan ng Tsina. Sila ay tumutugtog sa HNA Resort. Si Roger Castaneda ang kasalukuyang Pangulo ng Sarap Buhay Group o SBG–Sanya . Ang SBG ay isang grupo na binubuo ng mga OFWs, karamihan sa kanila ay mga entertainers.

Sina Bing at Roger Castaneda

Sa naunang panayam ng Mga Pinoy sa Tsina sa mag-asawang singers, ibinahagi nila ang walang kaparis na samahan ng SBG na subok na subok na sa tibay. Napakaming mga pagkakataon na kailangan nilang kanlungin ang mga kababayang nagkakaproblema sa employer at visa. Ang kanilang tahanan sa Sanya ay bukas sa mga Pilipino na nangungulila sa pamilya, problemado sa trabaho o kaya ay may mga pasanin sa buhay at naghahanap ng karamay. Pero ngayong kapaskuhan, syempre tambayan at party place ito ng mga OFWs na nasa Sanya.

Sa programa mapapakinggan ang dalawang orihinal na komposisyon ni Roger Castaneda. Angkop ang mga awiting ito dahil sa positibong mensahe na makapagbibigay inspirasyon lalo na sa pagpasok ng bagong taon. Para mapakinggan ang OPM ni Roger Castaneda na Hindi Pa Tapos ang Laban at Ulirang Ina, pakinggan ang buong episode ng Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.

Ilang mga miyembro ng SBG sa Sanya

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>