|
||||||||
|
||
20160407ditorhio.m4a
|
Si Lise ay mula sa Holland o Netherlands. Pitong taon na siya sa China, at siya lang siguro ang kaisa-isang expatriate sa bansa na nagpupunta sa mga recycling area, in short, sa mga basurahan upang mangolekta ng ng basura. Bakit ka n'yo? Kinukuha nya kasi ang mga pull tabs o iyong mga hinihilang singsing sa mga easy-open can, retasong tela, at marami pang ibang bagay upang gawing handicrafts, tulad ng bags, carpets at dekorasyon.
Di po lingid sa kaalaman ng lahat na nahaharap ngayon ang mundo sa problema ng basura at polusyon, at hindi exempted diyan ang China. Napalaki rin po ang problema ng bansa pagdating sa isyu ng polusyon. Kaya, itong si Lise ay gumagawa ng malaking tulong upang ipaalam sa maraming mamamayan na pangalagaan ang kalikasan at huwag basta tapon na lang ng tapon ng basura. Dahil balang araw, baka ang mga basurang itinapon natin ay bumalik sa atin at bigyan tayo ng malaking sakit sa ulo. Pakinggan natin ang kuwento ni Lise.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |