Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kaifeng, matandang punong lunsod ng Tsina

(GMT+08:00) 2016-08-18 16:38:51       CRI

Mga kababayan, ngayon gabi, bibiyahe tayo sa Kaifeng, isang matandang lunsod na nasa dakong silangan ng lalawigang Henan sa gitnang Tsina, Dahil nasa kapatagan na malapit sa Yellow River, isa sa mga pinaka-pangunahing ilog ng Tsina, ang Kaifeng ay may mahalagang posisyong heograpikal, at ito ay naging sentrong komersyal noong sinaunang panahon.

Ang Kaifeng ay kilalang-kilala dahil pitong dinastiya ng sinaunang Tsina ang naglagay ng kanilang punong lunsod dito. Isa itong bantog na lunsod na pangkultura. Sagana ito sa makukulay na kulturang lokal at kilala sa marikit na chrysanthemum.

Kahit pitong beses nang naging punong lunsod ang Kaifeng ng iba't ibang dinastiya, ito ay nakaabot sa pinakamasaganang panahon noong ika-11 siglo sa panahon ng Northern Song Dynasty (unang hati ng kabuuan ng Dinastiyang Song). Noong panahong iyon, ito ay kabisera ng buong bansang Tsina na may populasyong mahigit 600 libo. Ito rin ay naging commercial at industrial center ng bansa. Sa panahong iyan, ang Kaifeng ay naging isang malaking lunsod na may mahigit isang milyong residente, ito ang pinakamalaking populasyon ng isang lunsod sa daigdig noon. Hanggang ngayon, ang katangian ng Dinastiyang Song ang tampok sa paglalakbay sa Kaifeng, at makikita saan mang dako ang mga arkitekturang may estilo ng Song Dynasty.

Ano ang Northern Song Dynasty o Hilagang Song? Ang Dinastiyang Song ay nahahati sa dalawang panahon. Una, ang Hilagang Song na ang kabisera ay nasa Kaifeng (960 hanggang 1127). Pangalawa, ang Timog Song na ang kabisera ay nasa kasalukuyang lunsod Hangzhou (1127 hanggang 1279). Noong Dinastiyang Song, ang Kaifeng ay tinawag bilang "Dongjing" o "Bianliang."

Ang Dinastiyang Song ay isang dinastiyang medyo mahina sa politika't militar sa matandang Tsina, subali't maunlad naman sa ekonomiya, industriyang artisano, komersyo at higit na nagkaroon ng malaking pagsulong sa siyensiya't teknolohiya. Ang katangian ng mga konstruksyon sa panahong ito ay maselan, maganda at nagbibigay-diin din sa mga dekorasyon. Makikita pa rin ang mga arkitekturang may estilo ng Dinastiyang Song sa Kaifeng, pero, ang karamihan sa mga ito ay renovated na. Hanggang ngayon, iilan lang ang mga arkitekturang naiwan mula sa Dinastiyang Song. Dahil ang Kaifeng ay isang lugar na laging sinusunggaban ng digmaan at madalas din itong bahain, tuwing magagalit ang Yellow River, kaya ilang beses nang nawasak ang lunsod na ito at muling naitayo ng ilang beses.

Ang Kaibaosi Pagoda (开宝寺塔) – o mas kilala bilang "Iron Pagoda" ay isang totoong arkitekturang itinatag noong Dinastiyang Song. Subalit ang makikita na lamang ngayon na naiwan ng mga baha at digmaan ay estrukturang may taas na 54.7 metro. ito ay naging pinakamatandang landmark ng lunsod ng Kaifeng. Kahit tinatawag bilang "Iron Pagoda," ito ay hindi itinayo sa pamamagitan ng bakal, kundi sa pamamagitan ng mga bricks. Ang isa pang arkitekturang itinatag noong Dinastiyang Song ay Tianqingsi Pagoda(天清寺塔)o mas kilala bilang "Po Tower." Ito rin ay itinayo sa pamamagitan ng mga bricks> Ito'y sinimulang itatag noong 974 AD. Sa simula, ang buong pagoda ay may pitong lebel at mas mataas kaysa Iron Pagoda, pero, nasira na ito at tatlong lebel na lamang ang naiwan.

Kaibaosi Pagoda (开宝寺塔), o "Iron Pagoda"

Tianqingsi Pagoda(天清寺塔)o "Po Tower"

May isang kilalang painting ang Tsina——"Along the River During the Qingming Festival."Ito ay naglarawan ng landscape, pagkakaayos ng lunsod, at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente sa Kaifeng, punong lunsod noong panahon ng Hilagang Song. Ito ay hindi lamang isang mahusay na obra, kundi material na historikal para sa pananaliksik kung ano ang Kaifeng mahigit isang libong taon na ang nakalipas, bilang punong lunsod ng Dinastiyang Song.

 

Ganito ang pagkakaayos ng mga lunsod noong Song Dynasty, may mga tindahan sa kahabaan ng mga lansangan at sa bawa't lansangan ay may sariling propesyon o linya ng negosyo. Mayroon ding bagong pag-unlad sa estruktura na panlaban sa sunog, mga pag-unlad sa komunikasyon, transportasyon, tinadahan at tulay. Ganap na lumitaw ang isang lunsod komersiyal sa kabiserang Bianliang, kasalukuyang lunsod Kaifeng. Ang konstruksyon ng Tsina sa panahong ito ay nagbibigay-diin sa espasyo't taas, laki ng bakuran o silid para palitawin ang pangunahing estruktura, at puspusan ding pinaunlad ang pagkakabit ng kasangkapa't dekorasyon at ibat-ibang kulay.

 Sa Kaifeng ngayon, may isang theme park na nagpapakita ng tanawin at arkitektura na nasa painting na "Along the River During the Qingming Festival." Sa Wikang Tsino, ang painting ay tinatawag na "Qingmingshanghe," kaya, ang park ay tinawag ding "Qingmingshanghe Park." Maari itong pasyalan upang madama ang pamumuhay sa Kaifeng noong Dinastiyang Song.

Editor:Lele

May Kinalamang Babasahin
SPT
v Dunhuang at Mogao Grottoes 2016-05-26 15:57:23
v Xi'an—Tahanan ng terra cotta warriors 2015-06-26 11:21:11
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>