Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seremonya ng Paggagawad ng 2011 Chinese City Rankings, idinaos sa BJ; GMA reporter, kalahok

(GMT+08:00) 2011-09-16 16:35:11       CRI

Seremonya ng Paggagawad ng 2011 Chinese City Rankings, idinaos sa BJ; GMA reporter, kalahok

Heto'y interview kay Kimberly Tan, News Producer ng GMA News Online na lumahok sa seremonya:

Idinaos ngayong hapon sa China Radio International ang Seremonya ng Paggagawad ng 2011 Chinese City Rankings na nasa pagtataguyod ng CRI online. Ayon sa mga rekomendasyon ng mga netizens sa apat na sulok ng daigdig, ang Beijing, Chengdu, Xi'an, Nanjing, Lhasa, Dali, Guangzhou, Guilin, Pingyao at Qingdao ay kabilang sa top ten cities na may pinakakatangi-tanging kulturang Tsino.

Sa dalawang buwang 2011 Chinese City Rankings program, mahigit 5.76 milyong boto ang natanggap ng CRI online sa iba't ibang lingguahe na kinabibilangan ng filipino.cri.cn sa pamamagitan ng SMS at online voting at kabilang dito, 65.84% ng mga boto ay nanggaling mula sa labas ng Tsina.

Inanyayahan ding lumahok sa programang ito bilang Philippine partner ang GMA network at ang GMA reporter na si Kimberly Tan ay ipinadala para ikober ang kanyang biyahe sa ilan sa nasabing top ten cities na gaya ng Chengdu at Nanjing at mababasa ninyo ang kanyang mga ulat sa city rankings special ng CRI Filipino Service na https://filipino.cri.cn/other/2011city/index.html.

Ang consul ng Philippine Embassy sa Beijing na si Myca Fischer ay inanyayahan ding bilang panauhin para maggawad ng gantimpala sa isa sa mga top ten cities.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni CRI President Wang Gengnian ang kanyang pag-asang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, malalaman ng mga tagasubaybay sa lahat ng sulok ng mundo ang magagandang tanawan, mababait na mamamayan at malalim na kultura ng Tsina sa pamamagitan ng kani-kanilang pambansang wika.

Salin: Jade; Reporter: Andrea, Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>