|
||||||||
|
||
Ito ang mensahe ni Deputy Director Chen Jun Feng ng Nanjing War Memorial sa panayam ng China Radio International-Filipino Service. Sa oras umanong matuto ang madla sa mga aral ng Kasaysayan, hindi na ito mauulit pang muli.
Ayon kay G. Chen ang Nanjing War Memorial ay itinatag noong Agosto 1985 upang malaman ng daigdig ang naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May sukat na 70,000 metro kwadrado ang memorial at naglalaman ng 3,500 na larawan at iba pang mga ebidensya na nagpapakita ng mga ginawa ng mga Hapones.
Ayon kay G. Chen, nakalulungkot para sa lahat ng mamamayan sapagkat may 300,000 mga Tsino ang nasawi sa pananalakay ng mga Hapones sa Nanjing. Batid ng Japan ang sakripisyo ng mga Tsino noong nakalipas na digmaan. Ang dating prime minister ng Japan ay humiling ng paumanhin sa mga Tsino sa pangyayaring naganap.
Umaasa si G. Chen na magkaroon ng pagsasaayos ng mga aklat sa Kasaysayan sa panig ng Japan upang maghilom na ng tuluyan ang malalim na sugat mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Walang intensyon ang pagtatanghal na ito na sariwain ang malalim at naghilom ng sugat dala ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Ipinaliwanag ni Dorian L. Chua, pangulo ng Tulay Foundation, na mahalaga ang pagkakamulat ng madla sa mga naganap noong nakalipas na digmaan.
Dumalo rin sa okasyon si Sun Xiangyang, Deputy Chief of Mission at Political Counselor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, Justice Rodolfo Palattao, Sr. legal counsel ng Maynila at mga kinatawan ng Veterans Federation of the Philippines at Wa Chi 48th Squadron.
Idaraos din ang photo exhibit sa National Historical Commission of the Philippines mula ngayon hanggang sa ika-17 at sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry sa Maynila sa Muelle de Binondo sa Maynila hanggang sa ika-18 hanggang ika-23 ng Hunyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |