|
||||||||
|
||
Dalawa ang nasawi, 13 ang nawawala at 42 ang nailigtas sa lumubog na ferry boat
ISANG malawakang search and rescue operation ang ginawa ng mga tauhan Philippine Coast Guard, Philippine Navy at mga tauhan ng Philippine Air Force, kasama ang mga magdaragat at pulisya ng Pio Duran sa Lalawigan ng Albay ng lumubog ang MV Our Lady of Mt. Carmel, pag-aari ng Medallion Shipping Lines na may tanggapan sa Cebu City,
Lumubog ang ro-ro mga 5:30 ng umaga kanina sa may Claveria, Burias Island, Masbate na may sakay na 35 pasahero at 22 mga tripulante na pawang mga taga-Baleno at Placer sa Masbate. May lulan din silang dalawang bus at isang six-wheeler truck.
Nailigtas ang may 30 pasahero at 12 tripulante samantalang nawawala pa ang 13 katao. Dalawa ang nasawi at nakilala sa mga pangalang Carlita Zena, 59 na taong gulang, taga-Baleno, Masbate at isang Erlinda Julbitado, 59 na taong gulang na taga-Binangonan, Rizal.
Hindi pa mabatid ang dahilan ng paglubog ng roll on-roll off vessel. Wala namang naibalitang sama ng panahon sa lugar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |