Sa Hanoi, Biyetnam—Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, nagpalabas dito kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ng apat na kuru-kuro hinggil sa Code of Conduct for the South China Sea (CoC). Iniharap niyang gagawin sa pamamagitan ng pagsasanggunian ang roadmap ng pagtatakda ng naturang CoC. Ito ay nagpapakita ng positibo't bukas na pakikitungo ng panig Tsino at responsableng imahe nito sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Iniharap ng panig Tsino ang sumusunod na apat na paninindigan: Una, iharap ang makatwirang ekspektasyon sa pagtatakda ng CoC; ikalawa, sa proseso ng pagtatakda ng CoC, hanapin ang pinakamalawak na komong palagay ng iba't ibang panig sa pamamagitan ng pagsasanggunian; ikatlo, isa-isang-tabi ang mga hadlang; at ikaapat, hakbang-hakbang na pasulungin ang pagtatakda ng CoC. Ang nabanggit na mga paninindigan ay nagkaloob ng malinaw na direksyon para sa mga kinauukulang pagsasanggunian sa hinaharap.
Sa panahon ng isang serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya noong kalagitnaan ng kasalukuyang taon, sinang-ayunan na ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang pagdaraos ng pagsasanggunian hinggil sa pagtatakda ng CoC, sa balangkas ng pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Ang nasabing deklarasyon at CoC ay naglalayong magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea sa halip ng paglutas sa mga konkretong alitan. Ang isyu ng South China Sea ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kundi isa lamang isyu ng Tsina at ilang bansa ng Timog Silangang Asya. Ang CoC ay may kinalaman sa pagtatakda ng regulasyon ng aksyon ng buong rehiyon sa hinaharap, kaya hindi dapat pilitin ang ibang bansa na tanggapin ang mithiin ng iilang bansa.
Iniharap na at ipinapatupad ng Tsina ang pagpapasulong ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN. Sa Setyembre ng taong ito, idaraos sa Tsina ang susunod na round ng pulong hinggil sa pagpapatupad ng nabanggit na deklarasyon. Inaasahang masasamantala ng iba't ibang panig ang pagkakataon para mapasulong ang proseso ng pagtatakda ng CoC batay sa responsableng pakikitungo.