|
||||||||
|
||
ayg201308171
|
Mainit ang naging pagtanggap ng Lungsod ng Nanjing sa higit 3500 atleta mula sa 45 bansa na kalahok sa 17 isports na kabilang sa 2013 Asian Youth Games (AYG).
Isang simpleng seremonya ng pagbubukas ang idinaos kagabi sa Nanjing Oympic Sports Center Gymnasium. Sa kanyang mensaheng panalubong sinabi ni Liu Peng, Pangulo ng Chinese Olympic Committee (COC) na ang Asya ay isang kontinente na puno ng sigla at mabilis na nagbabago at ang mga kabataan ang kinabukasan at pag-asa ng Asya.
Si Liu Yandong, Ikalawang Premyer ng Tsina ang nagbukas ng 9 na araw ng palaro na may temang "Celebrating Youth Passionate Asia."
Sa parada, 11 atleta mula sa Pilipinas ang kasama ni Chef-de-Mission Nathaniel "Tac" Padilla.
Flag bearer ng Pilipinas si Jurence Mendoza. Kabado at excited ang No.2 Rated na Tennis player sa Asya dahil ito ang unang pagkakataon na kabilang sya sa delegasyon ng Pilipinas kasama ang iba pang mga manlalaro sa ibat-ibang isports. Ang kanyang papel bilang tagapagdala ng watawat ay nagbigay sa kanya ng motibasyon para mas galingan pa ang paglalaro. Para sa kanya ito ay isang "confidence booster."
Naniniwala si Mendoza na ang AYG ay mainam para sa Asya dahil patunay ito na di na napagiiwanan ang Asya ng Europa at Amerika pagdating sa isports.
Reporter: Machelle at Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |