|
||||||||
|
||
ayg201308172
|
Todo suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga atletang kasalukuyang lumalahok sa 2013 Asian Youth Games (AYG) sa Nanjing, Jiangsu, Tsina.
Sa panayam ng Serbisyo Filipino, sinabi ni Ricardo Garcia, Chairman ng Philippine Sports Commission marami sa mga atleta ay produkto ng mga paligsahang pambansa na itinataguyod ng PSC.
"Projects like this are really supported by the government. A lot of the athletes are products of some of our programs in government like Palarong Pambansa and also the Batang Pinoy which are being done every year."
Hinggil naman sa Athletes Village kung saan nakatira ang mga atleta at mga opisyal ng bawat bansa, sinabi ni Chairman Garcia na siniguro ng mga tagapag-organisa ng 2013 AYG na ang kanilang pamamalagi sa Nanjing ay kasiya-siya.
" (I'm) Very impressed with the preparations I have gone through the village talagang pinaghandaan nila ito maganda yung athletes quarters. The food that they serve in the caferia is talagang Class A. They are not leaving anything to chance. The hosting of this event is going to be a success. Ito'y (paghahanda nila sa) Youth Olympic Games next year. So this is a trial for them as to how to host even a bigger event than the Asian Youth Games that is the Youth Olympic Games. As of now there is no reason to complain except that's its too hot."
Dagdag ni Garcia gustuhin man ng Pilipinas na mas maraming atleta ang ipadala, balakid dito ang iskedyul ng klase ng marami sa mga bata. Ito aniya ay isang bagay na balak niyang tugunan sa hinaharap upang mas maraming mga batang atletang Pilipino ang mahikayat na lumahok sa mga paligasahan sa ibang bansa.
Reporter: Machelle at Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |