Sa isang pahayag sa media, inamin kahapon ng National Security Agency (NSA) ng Amerika, na nitong nakalipas na sampung taon, may mga isinagawang intensyonal na pagmomonitor, na walang awtorisasyon, ang mga tagapag-analisa at kontratuwal na empleyado nito sa mga mamamayang Amerikano, at lumapastangan sa kanilang right of privacy.
Ito ang kauna-kaunang pag-amin ng NSA sa naturang mga kaso, at salungat ito sa maraming beses na pahayag ng administrasyon ni Barack Obama at mga kongresistang Amerikano na walang ganitong pangyayari.
Salin: Liu Kai