Kinumpirma ngayong araw dito sa Beijing ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na walang plano ang Tsina na idaos ang pulong kasama ang Hapon sa Ika-2 ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus (ADMM-Plus).
Dagdag ni Yang, nagkita lamang sa bangkete ng ADMM-Plus si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina at si Onodera Itsunori, Ministrong Pandepensa ng Hapon.
Ayon kay Yang, sa kanilang maikling pag-uusap sa nasabing piging, igiinit ni Chang na panahon na para iwasto ng Hapon ang mga pagkakamali nito batay sa kasaysayan.
salin:wle