Ngayong araw ay ika-68 anibersaryo ng tagumpay ng China's Resistance War Against Japanese Aggression at World Anti-Fascism War(WWII). Ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat pumulot ng aral sa kasaysayan para maiwasang maulit ang masaklap na trahedyang ito. Dapat aniyang pangalagaan ang kaayusang pandaigdig pagkaraan ng WWII batay sa makatarungang paglilitis sa mga militaristang Hapones. Aniya pa, ang anumang aktibidad na nagtatangkang baligtarin ang katotohanan ng mapanalakay na kasaysayan ng Hapon ay tiyak na matinding tututulan ng mga mamamayan ng Asya. Hinimok namin ang Hapon na totohanang sundin ang pangako nitong lubos na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan.
salin:wle