Nag-usap kahapon sa Ashkhabad, kabisera ng Turkmenistan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Gurbanguly Berdimuhamedow ng Turkmenistan. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa, pagpapalawak ng kooperasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Dumating kahapon si Xi ng Ashkhabad para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Gitnang Asya.
Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Turkmenistan noong 1992, gumanda na ang relasyon ng dalawang bansa. Ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Turkmenistan, at noong isang taon, umabot sa 10.3 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kanilang kalakalan.
Slin: Wle