Ipinahayag kahapon sa regular na preskon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na muling nananawagan ang Tsina sa Hapon na kusang-loob na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan, at gamitin ang aktuwal na aksyon, para matamo ang tiwala ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Hong na ang Mukden Incident o September 18 Incident ay ang simula ng pananalakay ng Hapon sa Tsina. Ang paggunita sa insidenteng ito aniya ay para patingkarin ang diwa ng pagmamahal sa kapayapaan at pagsisikap ng Nasyong Tsino.
Ani Hong, ang digmaang pananalakay ng Hapon ay nagdulot ng malubhang pinsala sa mga kapitbansa. Nananawagan aniya siya sa Hapon na kusang-loob na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan, tumahak sa landas ng kapayapaan at kaunlaran, sumunod sa pangako hinggil sa isyung pangkasaysayan, para matamo ang tiwala ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig.
Salin: Andrea