Hinimok kahapon ng Tsina ang Hapon na sundin ang pangako nito at pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan para matamo ang tiwala ng mga bansang biktima at komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ang nasabing paninindigan sa isang regular na preskon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina nang sagutin niya ang mga tanong na may kinalaman sa desisyon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na hindi magbigay-galang bilang puno ng estado sa Yasukuni Shrine na kung saan nakadambana ang World War II (WWII) Class-A criminals sa ika-86 anibersaryo ng pagsuko ng bansa noong WWII na natapat ngayong araw.
Ayon sa media ng Hapon, sa halip ng pagbisita, magkakaloob di-umano si Abe ng sacrifice fee sa Yasukuni Shrine bilang puno ng Liberal Democratic Party (LDP).
Salin: Jade