Ipinahayag kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na kung sakaling pagtitibayin ng Kongreso ang budget proposal at debt ceiling bill na walang anumang paunang kondisyon, kahit short-term lang ang mga ito, nakahanda siyang makipagsanggunian sa mga Republikano hinggil sa healthcare, budget ng pamahalaan at fiscal deficit pagkaraan ng nasabing pagpapatibay.
Sa isang preskon kahapon sa White House, sinabi ni Obama na ipinalalagay niyang sa kasalukuyan, may sapat na boto sa Mababang Kapulungan para mapagtibay ang pansamantalang budget ng Pamahalaan para agarang maitigil ang pagkakasara ng Pamahalaan.
Pumapasok na sa ikawalong araw ang pagsasara ng Pamahalaan ng Amerika dahil wala pang narating na kasunduan hinggil sa debt crisis sa pagitan ng mga Republikano at Demokrata.
Salin: Jade