Sa kanyang pangkagipitang talumpati sa pambansang telebisyon, ipinatalastas ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na nagharap na ang Pheu Thai Party (PTP) ng aplikasyon ng pagbawi sa lahat ng mga panukalang batas na may kinalaman sa amnestiya sa Mababang Kapulungan ng Thailand, at ipinagtibay na ang aplikasyong ito. Sa talumpati, nanawagan din si Yingluck na itigil ang lahat ng mga demonstrasyon.
Ayon sa batas ng Thailand, kahit nabawi na ang mga panukalang batas sa Mababang Kapulungan, walang kapangyarihan ang PTP na bawiin Amnesty Bill na pumasok na sa proseso ng deliberasyon ng Mataas na Kapulungan. Pagtitibayin ang mga ito ng Mataas na Kapulungan sa ika-11 ng buwang ito.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na kung mabebeto ang Amnesty Bill sa Mataas na Kapulungan, papasok na sa 180 araw na "silence period" ang kinauukulang proseso ng lehislasyon at may posibilidad na pansamantalang humupa ang kasalukuyang tensyon sa Thailand. Pero, kung mapapagtibay ang panukalang batas, lalala ang di-matatag na kalagayang pulitikal sa bansa.
Salin: Wle