Muling nanawagan kahapon si Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand sa mga demonstrador na itigil ang kanilang mass rally, at bumalik sa kani-kanilang lupang tinubuan para mapangalagaan ang kompiyansa ng mga dayuhan sa pamumuhunan at paglalakabay sa bansang ito.
Kamakalawa ng gabi, sa pamamagitan ng 140 tutol, 0 sang-ayon, bineto ng Mataas na Kapulungan ng Kongresong Thai ang Amnesty Bill. Ngunit, hindi nito napalamig ang mga demonstrasyong kontra-gobyerno sa Bangkok.
Nagtungo kahapon ang 9 na mambabatas mula sa Democrat Party ng Mababang Kapulungan sa Kapitolyo para ipaabot ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Ipinahayag din nilang ipagpapatuloy ang mga demonstrasyon sa Ratchadamnoen Klang Road. Kabilang sa mga nasabing mambabatas ay si dating Pangalawang Punong Ministro Suthep Thaugsuban.
Salin: Li Feng