Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao," libu-libong miyembro ng National United Front of Democracy Against Dictatorship (Red Shirt) ang nagrali kahapon sa Bangkok para ipakita ang kanilang pagsuporta sa pamahalaan ni Yingluck Shinawatra.
Pagkaraang pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Thailand ang Amnesty Bill noong unang araw ng buwang ito, bawat araw ay idinaraos ng oposisyon ang demonstrasyon sa Bangkok, bagay na lalo pang nagpapainit sa maigting na kalagayan ng bansang ito. Ang pagdaraos ng rali ng mga "Red Shirt" ay naglalayong hilingin sa mga demonstrador na kontra-gobyerno na itigil ang kanilang demonstrasyon.
Salin: Li Feng