Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-12 Pulong ng mga PM ng mga Kasaping Bansa ng SCO, may mahalagang katuturan

(GMT+08:00) 2013-11-28 17:47:35       CRI

Binuksan ngayong araw sa Tashkent, Kabisera ng Uzbekistan ang dalawang araw na Ika-12 Pulong ng mga Punong Ministro ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Lumalahok sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina.

Ayon kay Nurlan Adilkhanuly, Direktor ng Kazakh Ablai khan University of International Relations and World Languages, ang naturang pulong ay hindi isang simpleng regular na pulong, kundi isang bagong starting point ng pag-unlad ng SCO. Sinabi niyang:

"Nitong nakalipas na 12 taon sapul nang itatag ang SCO, nakaranas ito ng maraming kahirapan. At nakuwestiyon din ang papel at epekto nito. Magdudulot ang pulong ito ng bagong panahon ng pag-unlad para sa SCO."

Ayon pa kay Adilkhanuly, ang nasabing pulong ay idinadaos bago ang tuluyang pag-urong ng magkasanib na hukbo ng North Atlantic Treaty Organization o NATO mula sa Afghanistan. Sa 6 na kapitbansa ng Afghanistan, 5 sa kanila ay kasaping bansa o bansang tagamasid ng SCO. Tatalakayin ng mga lider ng iba't ibang bansa ng SCO ang hinggil sa isyu ng Afghanistan, at ito ay may malaking epekto sa situwasyon ng Afghanistan sa hinaharap.

Bukod sa pagsisikap para mapahigpit at mapalakas ang kooperasyong panseguridad, unti-unting isinusulong ng SCO ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Adilkhanuly na:

"Sa pulong na ito, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa mungkahing 'New Silk Road Economic Belt' na iniharap ng Tsina. Ito ay nagkakaloob ng bagong porma para sa pagsasagawa ng Tsina at mga kapitbansa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Ang nasabing daan ay magdudulot ng malaking interes sa mga kasaping bansa ng SCO, at ang mungkahing ito ay tiyak na kakatigan ng mga kasaping bansa. "

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>