Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Buong lakas na tumulong ang Tsina ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-12-04 16:41:27       CRI

Kamakailan, sinalanta ng bagyong Yolanda ang gitnang Visayas ng Pilipinas at nagdulot ito ng napakalaking kapinsalaan sa bansa. Pagkatapos ng bagyo, bilang tugon sa matinding epekto ng kalamidad, ipinadala ng Tsina ang pandaigdigang rescue team ng Red Cross Society at ang Peace Ark, hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina at magka-sunod sila dumating ng Tacloban City, lugar na malubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Noong ika-18 ng nakaraang buwan, opisyal na humingi ang pamahalaan ng Pilipinas ng tulong ng Tsina. Pagkatapos nito, ang kauna-unahang grupo ng rescuer na Tsino ay dumating ng Manila, noong ika-20 ng nakaraang buwan. Noong ika-23 ng buwang ito, pagkaraan ng maraming kahirapan, ang naturang rescue team na Tsino ay dumating ng Tacloban City. At agarang isinagawa nito ang rescue work.

Ang pangunahing tungkulin ng international rescue team ng Red Cross Soceity ng Tsina ay magkaloob ng serbisyong medikal. Itinayo ng rescue team ang pansamantalang ospital sa lunsod para tumanggap ng mga may-sakit. Bukod dito, ipinadala rin ng naturang rescue team ang mga working group sa iba't ibang nayon para ipagkaloob ang serbisyong medikal para sa mga lokal na mamamayan.

Bukod dito, ipinadala ng hukbong pandagat ng Tsina ang Peace Ark, hospital ship, sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, mayroong 3 liaison personnel ng Pilipinas sa Peace Ark, nagtatrabaho sila kasama ng mga doktor na Tsino. Ipinahayag nilang ipinagkakaloob ng mga doktor na Tsino ang gamot sa mga mamamayan ng Pilipinas, pinabubuti nila ang kalagayan nila sa pamamagitan ng naturang mga aksyon, at itinatag din ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas. Lubos na pinahahalagahan ng mga mamamayan ng Pilipinas ang naturang pagkakaibigan, at pinasalamatan ang tulong ng mga doktor na Tsino.

Bukod sa mga medical team, ipinadala rin ng Tsina ang puwersa na maghahanap sa mga bangkay ng mga nabiktima. Pagkatapos ng bagyo, mahirap ang kapaligiran sa ilang lugar ng Pilipinas na nasalanta ng Yolanda, pero, nagsisikap ang rescue team para hanapin ang mga bangkay ng mga nabiktima ng Yolanda.Sinabi ni Jerry Sambo Jaokasin, Pangalawang Alkalde ng Tacloban, na kapuri-puri ang mga gawain ng rescue team ng Tsina. Ito ay nagpapakita ng pandaigdigang makataong diwa ng Tsina, at nag-iwan ito ng malalim na impresyon sa mga mamamayan ng Pilipinas.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>