Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabinete ng Hapon, pinagtibay ang bagong National Defense policy package

(GMT+08:00) 2013-12-17 17:39:13       CRI
Sa pulong ng Gabinete ng Hapon, pinagtibay ngayong araw ang tatlong dokumentong panseguridad na kinabibilangan ng bagong National Defense Program Guidelines (NDPG), Medium-term Defense Build-up Plan at National Security Strategy.

Itinakda ng bagong NDPG ang patakarang panseguridad sa susunod na 10 taon. At ayon sa Medium-term Defense Plan, aabot sa mga 25 trilyong Japanese Yen o 240 bilyong dolyares ang budget ng seguridad sa susunod na 5 taon. Bubuuin ang bagong grupo ng Self-Defense Forces para sa pagsasagawa ng mas "proaktibong" panseguridad na tungkulin. Palalakasin din ang kooperasyon nila ng Amerika sa intelligence. Ayon sa National Security Strategy, mahigpit na pagtutuunan ng pansin ng Hapon ang kalagayan ng Tsina sa diplomasiya at militaryat magsisikap ang Hapon para itatag ang estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinapangan ng Hapon at Tsina para maiwasan ang di-kaaya-ayang insidente.

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>