Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-22 Pulong ng Asia-Pacific Parliamentary Forum, ipininid

(GMT+08:00) 2014-01-16 17:25:53       CRI

Ipininid kahapon sa Mexico ang Ika-22 Taunang Pulong ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF).

Ayon sa magkasanib na pahayag ng pulong, 22 resolusyon ang pinagtibay ng mga kalahok na kinatawan. Ang nasabing mga resolusyon ay sumasaklaw sa pulitika at kapayapaan ng Asya-Pasipiko, kooperasyong pang-edukasyon at pangkultura ng Asya-Pasipiko, pagtutulunang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Asya-Pasipiko, isyu ng mga sandatang kemikal ng Syria, prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan, Kalagayan ng Korean Peninsula, paglaban at pagpigil sa korupsyon, pagbabago ng klima, kaligtasan ng pagkain, at iba pa.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Raul Cervantes Andrade, Presidente ng Senado ng Mexico at Tagapangulo ng katatapos na pulong, na ang APPF ay nagpapasulong sa pagtutulungan ng mga parliament ng Asya-Pasipiko at nagpapasulong din ito sa kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig.

Ipinahayag naman ni Chen Changzhi, kalahok na Pangalawang Puno ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang kahandaan ng NPC na mag-ambag, kasama ng mga counterpart sa Asya-Pasipiko para sa mas masagana at mas ligtas na kinabukasan ng Asya-Pasipiko.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>