Sa eksklusibong panayam sa lingguhang magasing New Yorker kahapon, sinabi ni Pangulong Barack Obama na ang ginawang pagbubunyag ni Edward Snowden, dating National Security Agency (NSA) contractor sa PRISM, programa ng pang-eespiya sa loob at labas ng Amerika, ay hindi pareho sa Watergate Scandal.
Binigyang-diin ni Obama na ang ibinunyag ni Snowden ay walang anumang paglabag sa batas.
Idinagdag ni Obama na inakusahan na ng prosecutor ng Amerika si Snowden at hindi niya masasabi kung mabibigyan siya ng kapatawaran.
Salin: Jade